Pare-pareho naman kaming ingles ang usapan sa opisina kahit magkakaiba ang lahi namin pero minsan di pa din kami magkaintindihan. ‘Yung mga bumbay, matigas ang mga letra at exaggerated ang letrang ‘arrrr’. Mga Aussie naman tamad kumpletuhin ang sinasabi. Kumbaga sa pangungusap, binanggit lang ‘yung subject, pagdating sa predicate malabo na, di mo na maintindihan. Di mo alam kung ang sinabi ba ay ‘Jack fell down’ o ‘Jack jakoled’. Di tulad sa Pinoy, pag nag-ingles bawat syllable buong buo. Alam mong Pinoy kapag nagbigkas ng salita parang guro sa elementarya. ‘How are you today? I’m payn tenkyu’.
At ang mga Aussies, may sarili din silang salitang kanto na di mo agad maintindihan. Ang tawag nila sa breakfast ay brekkie. Ang tawag nila sa biscuit ay bickie. Hula ko lang, ang tawag nila sa pokpok ay puckie. At pag naggu-gudbay pa sila sa opisina ay palaging ‘see you later’. Pano’ng ‘see you later’ e bukas pa ulit kami magkikita. Hindi ba dapat, ‘See you latest?’ Hehe. Oo na, ‘See you tomorrow’. Minsan na nga lang ako mag-joke nang-aanu-ano ka pa dyan.
Sa mga kaopisina ko namang bumbay, nagpaturo ako pano magmura sa salitang Hindi para pagpunta ko ng India, cool ako dahil kaya kong makipagsabayan magmura. Just in case lang naman. Ang mothafucker sa kanila ay ‘Ma choud’. Naalala ko bigla [Ting! Bumbilya epeks] kaya pala ‘nung panahong nagha-hunger strike si Mahatma Gandhi ay panay ang sigaw niya ng ‘Ma choud! Ma chould!’. Kala ko Ma chow! Kasi gutom. [Opss, kwentong barbero alert]
Nagpaturo naman sa ‘kin ng mga basic ‘conversational’ Tagalog words ang mga kaopisina ko para naman daw ‘pag namasyal sila sa Pinas, may alam sila kahit konti.
Aussie1: How do you say bad words in the Philippines?
Badoodles: Gago tanginamo.
Aussie1: It’s very long. There’s no short version?
Badoodles: Pakyu.
Aussie1: What do you call an ugly woman?
Badoodles: A shrimp.
Aussie1: Those are english words!!
Badoodles: You’re not listening. I told you we were colonized by stupid idiot Americans.
Aussie1: What is beautiful woman?
Badoodles: Pokpok.
Aussie1: How do you say ‘Where’s the toilet’?
Badoodles: Asan ang takubets?
Aussie1: [*Nagkamot ng ulo] But before, you said it’s Si-ar.
Badoodles: Yes takubets for the boys, Si-ar for the girls. [Lusot]
Aussie1: How do you say ‘How much is this’?
Badoodles: Magkano ka?
Gugulong siguro ako sa katatawa ‘pag nalaman kong pumasyal sila sa Pinas. At hindi imposibleng hantingin nila ako ‘pag nangyari ‘yun. At meron namang kwentuhang hindi lang talaga ninyo maintindihan ang isa’t-isa.
Indian Girl: What do people in your country play?
Badoodles: We play basketbol. What about in your kantre? [* di maikakailang Pinoy]
Indian Girl: Oh in India, we play titi.
Badoodles: What?!
Indian Girl: Titi? That’s our national past time. We love playing titi.
Badoodles: In the Philippines, only men play titi.
Indian Girl: Why? Women there don’t like titi?
Badoodles: They like titi but they only play titi of their husband.
Natapos ang usapan na hindi kami nagkaintindihan. Nalaman ko, ang ibig niya lang palang sabihin sa titi ay table tennis. Pa titi – titi pa kasi table tennis lang naman pala ibig sabihin. At isa pa ‘tong manager naming manang. Excited na lumapit tapos sabi ‘Ohhhh let’s go to Mt. Bulbul’. Syempre sinabi ko na ‘wag na lang, hindi mahilig ang mga Pinoy sa Bulbul. Di na ‘ko nag-elaborate kung bakit dahil pasimple na akong inapakan nung kasama kong Pinay. Sayang ‘yung joke ko, di ko na naituloy. Oh well.
Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.
Ah, Question of the Day na ba. Sige, ang tanong ng bayan: Anong paboritong ekspresyon/mura mo pag badtrip ka? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago, o pinakahayup o kahit na anong sagot sa comment box. Ang di magparamdam, multo.
Piktyur 1.] Dito kami nagyoyosi breyk tapat ng train station nila na mukhang mall. May vandal din ako dyan na pentel pen ”Bawal umehi dito – Badoodles”.